1. Minsan…

Minsan kailangan mo lang talag mag-antay, pero
minsan nakakapagod din mag-antay.
Minsan mas okay na alam mo yung totoo, pero
minsan nakakatakot ding malaman yung totoo.
Minsan gusto ko na maniwala, pero
minsan naghahanap ako ng rason para di maniwala.
Minsan gusto ko pang lumaban, pero
minsan napapaisip na ko kung tama pa bang ipaglaban.
Minsan sasabihin kong ititigil ko na, pero
minsan naghahanap lang ako ng rason para ituloy pa.


minsan kailangan mong kumilos para may patunguhan ka, pero
minsan kailangan mo lang manatiling tahimik at magpasensya
minsan kasi kailangan mo lang talagang huminga, dahil
minsan, panahon lang ang kailangan para maayos ang problema. :)

originally posted at multiply. Last lines by Rosa. Haaay. Minsan madrama lang talaga. :)